I don't think I think enough.
|
Monday, June 18, 2018
Pahintulot
Giliw, (kung) pahihintulutan mo ako
Ipagkakatiwala ko sana sayo
ang puso ko
Alamat lang ba ang pahinga ng dalawang puyat sa
pira-pirasong mga bugtong nagtatanong
Sagot ay hindi mahalaga
Sapat na
sa aking nariyan ka
Paumanhin
Paumanhin
Salat sa kasanayang linawin
Giliw, (kung) pahihintulutan mo ako
Ay ipapakilala ko sana sayo ang
buong mundo
Balagtasan at nagtatapatang makatang maligalig mga tugma
Limot na kung paano ang umasa
Giliw, (kung) pahihintulutan mo ako
Ang
aking hangganan ay ipapamalas ko sayo
Giliw, pinakikiusap ko sayo
Sana
pakaiingatan yang puso ko
|
<< Home